07 July, 2008

4th of July Hike - Alamere Falls

For Em's - Maraming Salamat, for reminding me...

Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin, hangari'y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy
















Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay
Nais ko...nais ko...nais ko...

Nais kong maulit ang buhay
Kung may pagkakataon upang mamalas
Ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa
Ulit-ulitin pa ang buhay ko...


*"Nais Ko"
Ryan Cayabyab